Pag-amin ni Amelia Amara Pov Nahihiwagaan ako sa kinikilos ng ginang. Curious rin ako sa gusto niyang sabihin sa akin. Gusto ko siyang tanungin kapag dumadalaw siya dito, kaso nauuna ang hiya ko. Mas madalas na rin siyang mamasyal at mas marami pang pasalubong ang binibigay niya sa amin ng kambal. Pati ako, kasama na rin sa mga binibilhan niya ng gamit. Nagsimula noong na-ospital ang isa kong anak, ay mas madalas na siyang namamasyal dito, halos dito na matulog kung malawak lang dito, baka nakitulog na rin siya. Minsan, may mga dala siyang first aid kit kapag may nangyaring something ulit sa anak ko. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya. Nahihiya man ako ay tinatanggap ko pa rin dahil blessings iyon. Naalala ko pa ang sabi ni Lola, kapag may nagbigay ng kahit ano, kukunin ko raw wag tanggihan dahil blessings rin iyon. Ayaw mo man o hindi, mas mabuting tanggapin na lang daw. Tahimik ang hapon na iyon at nakahiga kaming tatlo sa manipis na kutson sa sala. Nakabukas ang pinto para
Last Updated : 2026-01-24 Read more