He can't forget the Twins Tristan POV Pagkatapos ng anniversary party, hindi na ako mapakali. Parang may gusto akong malaman, pero hindi ko alam kung ano iyon. Paulit-ulit na kasi sa isip ko ang sinabi ng bata. "Wish ko ikaw na lang ang Daddy namin!" Hindi ko alam kung bakit ganoon kalakas ang epekto ng sinabi ng bata sa akin. Kaya nang gabing iyon, imbes na umuwi agad ako sa sarili kong bahay, ay dumiretso ako sa mansion at nagtungo ako sa library ng pamilya. Pagpasok ko sa loob, nakita kong naroon ang aking Lolo Arturo. Tahimik itong nagbabasa ng newspaper habang umiinom ng kape. Ganito siya kada gabi imbes na matulog ng maaga, nagbabasa muna ng newspaper bago matulog. "Good evening, Lo," bati ko. Hindi man lang nag-angat ng tingin ang matanda, kahit alam niyang nandito ako. "Bakit mukhang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Bahagya pa akong nagulat sa biglaan nitong pagsasalita. Ako lang yata ang very occupied ang isip at hindi napansin si Lolo na nakatingin
Last Updated : 2026-08-24 Read more