Longing for Lola's loveAmara Pov Nakikibalita pa rin ako kay Ate Rena na nagbabantay sa Lola ko. Naawa ako sa kanya dahil sobrang lungkot na daw niya. Halos ayaw na niyang kumain dahil sa pag-aalala sa akin. Matagal ko nang pinag-iisipan kung tatawag ako sa kanya o hindi. Pero dahil sa sinabi ni Ate Rena, napilitan akong tumawag kahit ngayon lang. Nagtataka rin ako sa balita ni Ate Rena sa akin. Na may nagdi-deliver ng mga groceries kay Lola kada isang linggo. Kasama na ang gamot niya, vitamins, at gatas. Hindi naman ako nagpapadala ng groceries kada linggo, eh. Tinitipid ko nga ang sarili ko dito at sakto lang ang pinapadala ko para kay Lola. *Phone call* "Hello, Mara," sagot agad ni Ate Rena sa tawag ko. "Hello, Ate. Kumusta si Lola?" iyon agad ang tanong ko sa kanya. "Teka lang, nasa banyo siya. Alam mo ba na simula nang nawala ka dito, ang lungkot na niya? Lagi siyang nag-aalala sa'yo. Minsan umiiyak dahil naaalala ka niya. Iniwan mo na daw siya mag-isa," kwento nito. Ag
Read more