Althea POVLumipas ang mga araw na parang walang katapusan.Pare-pareho ang routine ko… gumising, pumunta sa shop, magtrabaho, umuwi, magpahinga… at isipin ang mga bagay na pilit kong iniiwasan.Pero kahit anong pilit kong takasan…Bumabalik pa rin.Si Damian.At ang katotohanang hindi ko pa sinasabi sa kanya.Habang nag-aayos ako ng mga bagong dating na tulips, napahinto ako nang biglang sumakit ang likod ko.“Ah…” napahawak ako sa mesa.“Ma’am, okay lang po ba kayo?” tanong ni Mia, nag-aalala.“Okay lang… napagod lang,” sagot ko, pilit na ngiti.Pero sa totoo lang…Hindi na ganun kadali ang lahat.Habang lumalaki ang dinadala ko…Mas lalo ko ring nararamdaman ang bigat ng sitwasyon ko.“Magpahinga muna kayo,” sabi ni Mia.“Konti na lang ‘to,” sagot ko.Hindi ko pwedeng pabayaan ang shop.Ito na lang ang meron ako.Ito na lang ang pinanghahawakan ko.At para sa baby ko…Kailangan kong maging matatag.Pagkatapos ng shift, umupo ako sa isang sulok ng shop.Tahimik.Kinuha ko ang phone
Read more