Althea POVHindi ko inaasahan na darating sa punto na magkakasama kaming apat sa iisang lugar.Ako.Si Damian.Si Sebastian…At si Helena.Parang isang eksenang matagal nang hinahabol ng tadhana… pero walang gustong mangyari.Nasa private lounge kami ng hospital. Tahimik, malamig, at puno ng tensyon na halos hindi na kayang dalhin ng hangin.Katabi ko si Damian. Ramdam ko ang presensya niya… protective, matatag. Hawak niya ang kamay ko, parang ayaw niya akong pakawalan.Sa kabilang side, si Sebastian. Nakatayo, seryoso ang mukha, at hindi maalis ang tingin sa akin.At sa wheelchair sa gitna naman…Si Helena.Mahina ang katawan, pero matapang ang mga mata.Siya ang unang nagsalita.“This needs to stop.”Diretso. Walang paligoy-ligoy.Walang sumagot agad.“Lahat tayo nasasaktan,” dagdag niya. “And for what? Power? Pride?”Napatingin ako sa kanya.“Helena…” mahina kong sabi.She looked at me and gave a small, sad smile.“I told him already,” sabi niya, tumango kay Sebastian. “But he won
続きを読む