Althea POVIlang araw na ang lumipas mula nang ipanganak ko si Dylan, at kahit pakiramdam ko ay parang panaginip pa rin ang lahat, unti-unti ko nang tinatanggap na ito na ang bagong realidad ko… isang ina sa isang banyagang lugar, malayo sa lahat ng nakasanayan ko, at mag-isang humaharap sa responsibilidad na hindi ko pwedeng takbuhan.Tuwing umaga, nagigising ako hindi dahil sa alarm kundi sa mahina niyang pag-iyak, at kahit pagod ang katawan ko ay agad akong bumabangon para alagaan siya, dahil sa bawat iyak niya ay para bang may kumukurot sa puso ko na nagsasabing kailangan niya ako, kaya kahit hirap akong gumalaw dahil sa sakit ng katawan ko mula sa panganganak ay pinipilit kong maging matatag, dahil wala akong ibang choice kundi kayanin.Habang pinapadede ko siya isang umaga, nakatitig lang ako sa mukha niya, at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa simpleng pagdilat niya ng mga mata ay parang nawawala ang lahat ng pagod ko, kaya marahan kong hinaplos ang pisngi niya at bumulong n
Read more