Caleb’s POVKinaumagahan, maagang kumatok ang isa sa mga butler sa pintuan ng kwarto ko.“Sir Caleb, the master wants to see you in the study room,” mahinang sabi nito.Napadilat ako, medyo hilo pa, pero nang marinig ko ang salitang the master, agad akong natahimik. Si Dad.Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong kaba ang biglang gumapang sa dibdib ko. Kahapon lang, ipinakilala ko si Althea sa kanya… at sa tingin ko, may kakaiba sa naging tinginan nilang dalawa. Hindi ko lang alam kung ano, pero ramdam ko ‘yung tensyon.Mabilis akong naligo at nagbihis ng puting long sleeves at slacks. Habang naglalakad papunta sa study room, bawat yapak ko parang mas bumibigat. Ang hallway ng mansion, tahimik, at tanging tik-tak ng clock lang ang maririnig.Pagbukas ko ng pinto, bumungad si Dad… nakaupo sa harap ng mahogany desk, seryoso ang mukha, hawak ang isang folder. Nakaayos ang mga papeles sa mesa, at ang mga mata niya ay diretso sa akin, malamig, mapanuri.“Sit down,” utos niya, mababa
Zuletzt aktualisiert : 2025-10-31 Mehr lesen