Althea’s POVPumasok ako sa school na may mabigat na pakiramdam. Kahit anong pilit ko, hindi maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang pagmamahal ko kay Caleb… at ang pagkakaroon rin ng damian sa buhay ko. Ang puso ko parang hinahati sa dalawa, at bawat hakbang sa hallway ay parang may mabigat na dala.Pero desidido na ako. Desidido sa desisyon kong makipaghiwalay kay Caleb, kahit masakit. Kahit masasaktan siya, kahit ako rin ay masasaktan. Alam kong tama ang ginagawa ko. Para sa lahat ng tao, at para rin sa sarili ko.Hindi ko inaasahan, pero hindi rin nagtagal ay naramdaman ko na parang may bumabantay sa akin sa bawat galaw ko. Nakita ko si Caleb sa kabilang hallway, nakatingin sa akin. Hindi siya nagtatago, hindi rin nag-aalangan. Parang gusto niyang lumapit, hawakan ang kamay ko, at ipaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal.“Althea,” mahinang bulong niya habang lumalapit.Hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hawak ang mga libro ko ng mahigpit, pilit iniwasan a
최신 업데이트 : 2025-12-04 더 보기