Damian’s POVKinagabihan. Tahimik ang paligid sa fine dining restaurant. Ang malambing na tugtog ng piano ay parang paalala ng mga panahong masaya pa kami ni Isabella. Sa gitna ng malawak at mamahaling lugar na iyon, kami ngayon ay magkasamang tatlo… ako, si Caleb, at ang babaeng minsan kong minahal.“Dad, can you believe it? After all these years… we’re finally here, all three of us,” masayang sabi ni Caleb, habang nakangiting tinitingnan kami pareho.Ngumiti lang ako ng tipid. Sa loob-loob ko, gusto kong maging masaya para sa kanya… pero mahirap.Habang nagsasalita si Caleb, pansin ko kung paanong tinitingnan ni Isabella si Caleb nang may halong saya at pagsisisi. Maganda pa rin siya… eleganteng bihis, naka-white dress na may pearl necklace, at ‘yung mga mata niya, parehong mata pa rin na minsan kong minahal… at kinamuhian.“I missed this,” sabi ni Isabella, hawak ang wine glass. “I missed having dinner with my boys.”Tumawa si Caleb, halatang masayang-masaya. Ako naman, tahimik lan
최신 업데이트 : 2025-11-05 더 보기