Damian POVTahimik ang opisina ko, pero sa loob ng dibdib ko, parang may nagwawala. Hawak ko ang baso ng whiskey, pero hindi ko man lang ito iniinom. Nakatingin lang ako sa city lights sa labas ng floor-to-ceiling window, iniisip kung saan ako nagkamali.Sebastian.Caleb.Iisang tao. Iisang dugong dumadaloy sa ugat niya.. dugo ko.Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin kung paano niya nagawa ang lahat ng ito. Sa murang edad, napabagsak niya ang company ko. The company I built with my blood, sweat, and sacrifices. Lahat ng investors, lahat ng shareholders… iisa lang ang sagot sa akin. “Sorry, Damian. Mas malakas siya ngayon.”Mas malakas… ang anak ko.Bumukas ang pinto ng opisina ko. Pumasok ang secretary ko, halatang kabado.“Sir Damian, Mr. Reyes is here,” sabi niya.Napangiti ako ng mapait. “Let him in.”Ilang segundo lang ang lumipas, pumasok siya. Matangkad, matikas, naka-tailored suit. Hindi na siya yung batang umiiyak noon, yung batang nagmamakaawa sa akin na huwag kong ilayo si Al
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-15 อ่านเพิ่มเติม