Leah“Leah, pakisuyo muna ito please…” narinig kong tawag ni Nica mula sa kabilang cubicle. Napalingon ako at nakita ko siyang nagmamadaling kumukuha ng folder habang may hawak pang cellphone sa kabilang kamay.“Wait lang ha, nagmu-multitask ako rito!” biro pa niya, sabay abot ng folder sa akin. Lumapit ako at kinuha iyon, sabay silip ng laman.“Ilang copies?” tanong ko, habang tinitingnan kung ilang pages iyon.“Three please,” sagot niya agad, ngumiti pa. “Thanks, girl.”Napailing na lang ako nang mag-flying kiss pa siya sa ere. “Grabe ka talaga, parang may audience,” sabi ko, pero natawa rin habang naglakad papunta sa xerox machine.Pagdating ko ron, inayos ko ang mga dokumento, sinet ang machine, at pinindot ang copy button. “Please behave today, baby,” bulong ko sa makina, parang makikipag-deal sa isang kaibigan. Buti na lang talaga at hindi ito sirain, isang himala sa office naming laging kulang sa maintenance pero laging puno ng report deadlines.Habang hinihintay kong matapos, n
Last Updated : 2025-11-11 Read more