LeahMarami pang sinabi si James, pero parang lahat ng tunog ay naging alon lang sa tenga ko. Ang tanging naiintindihan ko ay ang kalagayan ni Mommy. He begged me to talk to her. Paulit-ulit, halos lumuhod sa harap ko.Hindi ko pa siya nakitang ganon. Hindi ko alam kung dahil sa awa o sa sakit, pero pumayag ako without telling him.Siguro nga masokista ako. Kasi kahit wasak na ako, hinayaan kong muli akong mapahamak sa pakikinig sa kanya.Pagkatapos ng lahat, naghiwalay kami. Umalis siya habang nakatingin lang ako, sinusundan ng mga mata ko ang bawat hakbang niya. Hanggang sa tuluyang lamunin ng pinto ang anino niya, at ako ay naiwan sa upuan at walang lakas, walang direksyon, puro tanong.At ngayon, matapos ang mahabang pag-iisip. Hapon, heto ako, nakatayo sa harap ng bahay namin. Dati, bawat sulok nito ay punô ng tawa ni Mommy, amoy ng niluluto niyang adobo, at yakap na kayang tanggalin lahat ng pagod. Pero ngayon… parang ibang mundo na siya.Nangangatog ang kamay kong hawak ang sus
Last Updated : 2025-11-05 Read more