Leah Hindi ko talaga alam kung paano nalaman ni Mr. Solano na wala ako sa mood ngayon. I mean… he barely talks, barely even looks at anyone for longer than two seconds, well yan ay according sa mga empleyado. Pero kanina, he noticed. And for some reason, I kind of appreciated it more than I should. Great. As if kailangan ko pang ma-confuse dahil sa kindness niya. Sino ba namang mag-iisip na ang isang Rafael Solano na very cold, intimidating, at sobrang busy ay mag-aalala pa kung may bad mood ako? Pagkapasok ko sa pantry, agad akong nilamon ng bango ng kape at tinapay. Iba talaga ang opisinang ‘to. Hindi ka pwedeng magreklamo ng “gutom ako, kaya lowbat ako magtrabaho,” kasi literal na wala silang dahilan para hayaan kang hindi kumain. Libre ang lahat. As in lahat—water dispenser na may malamig at mainit, espresso machine, at ang pinagmamalaki ng lahat… ang bread corner. At hindi ito ‘yung typical na monay o pan de sal lamang. Like, legit na may sourdough, brioche, ciabatta, croissa
Last Updated : 2025-11-16 Read more