LeahTahimik ang loob ng opisina ni Rafael nang tuluyan kaming makapasok. Parang naiwan sa labas ang lahat—ang bulungan, ang eskandalo, ang masasakit na salita kahit na alam kong nagsialisan na ang mga naroon. Nang magsara ang pinto sa likod namin, pakiramdam ko ay nakahinga ako ng mas maluwag.Agad niya akong hinila palapit sa executive sofa at sabay kaming naupo na magkatabi.“Sit still,” utos niya, pero may ngiti sa labi. “Mukha kang pagod.”“Hindi ako pagod,” depensa ko, pero hindi ko rin tinangka pang tumayo. “Ikaw kaya ‘yong nagbuhat ng buong floor kanina.”Huminto siya saglit at tumingin sa akin, nakasandal sa counter. “For you? Kahit buong building pa.”Napailing ako habang tumatawa, pero ramdam ko ang init na gumapang sa dibdib ko. Ang dali niyang magsalita ng mga salitang parang normal lang sa kanya. Samantalang sa akin, bawat isa ay tumatama, diretso sa puso.Hinapit niya ako payapos, ganito na siya palagi at gusto ko naman iyon. Feeling ko ay wala ng makakapaghiwalay sa am
最終更新日 : 2026-02-10 続きを読む