Leah“Why did you cry?” tanong agad ni Mr. Solano nang ilapag ko ang kape sa ibabaw ng mesa niya. Umalingawngaw sa tahimik niyang opisina ang boses niyang puno ng kontrol ngunit may bahid ng pag-aalala na pilit kong ikinaila sa sarili ko.Maayos akong naupo sa upuan sa tapat niya, pilit tinatago ang bakas ng paghina sa aking mukha.“Nothing,” sagot ko, diretso pero malamig.“Mahirap ba sayo ang magsabi sa akin?” tanong pa niya, bahagyang nakakunot ang noo habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.“It’s personal,” maikling tugon ko, sabay pinirmi ang paningin sa tasa ng kape sa harap ko, takot na baka mabasa niya ang katotohanan sa mga mata ko.“I see,” aniya, kasunod ang isang mahinang tango bago niya kinuha ang tasa ng kape sa harapan niya. Ang kilos niya ay parang kalmado, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, isang usaping alam kong hindi biro.Naghanda na sana akong magsalita nang biglang may kumatok.At bago pa kami makasagot, bumukas na ang pinto.“Hi, Rafael,” nakan
Last Updated : 2025-11-22 Read more