LeahSakto pagdilat ng aking mga mata ay kasabay ng biglang pagtunog ng cellphone na nasa tabi ko lang sa sofabed. Napakunot-noo pa ako, groggy, antok na antok, at bahagyang napapikit dahil sa matining na liwanag na agad sumalubong sa mga mata ko.Inabot ko iyon, pilit na iniwas sa mukha ko ang sobrang liwanag bago ko ito tuluyang tinignan. Saglit akong nabulag, pero nang makapag-adjust ang paningin ko ay agad kong in-slide ang daliri ko sa screen para sagutin ang tawag.“Hello,” mahina kong sabi, paos pa ang boses dahil sa bagong gising.“Did I wake you up?” pamilyar na boses ang sumingit sa tenga ko, malalim, seryoso, pero may halong lambing na hindi niya aminin kahit kailan.Napakunot ang noo ko at muling tinignan ang screen ng cellphone, saka saka ko lang napansin ang pangalan na kanina pa pala nandoon.“R-Rafael?”“Yes, it’s me,” sagot niya. “Did I wake you up?” muli niyang tanong, parang gusto siguraduhin ang bawat detalye tungkol sa akin.“No… Ganitong oras talaga ako nagigising
Last Updated : 2025-11-28 Read more