Nagmamadali akong nagpasa ng papel sa harap dahil nakalabas na sila Drake, Trisha, at Krisha. May bagong bukas kasi na kapehan malapit sa campus kaya nagkaayaan na tumambay na muna. I agreed because we really need a breather. Baka sa sunod na undas, kasama na kami sa titirikan ng kandila.“Where are you going?” Tanong ni Professor Easton nang sinukbit ko na ang aking bag. Nakita niya kasing nakatanaw pa ‘yong tatlo sa pinto at pinapamadali na ako.“Dyan lang po sa bagong kapehan, Sir.” I emphasized the last word dahil alam kong maiinis si Professor Easton doon. “Una na po ako, thank you po!” Hindi ko na inantay ang sagot niya at tumalikod. Paglabas ko, inakbayan na ako ni Drake at ginulo ang aking buhok. “Tagal mo ha, plano mo ba maging topnotcher ng quiz?” Biro niya.“G*go ‘yong quiz na ‘yon, pahirap sa buhay,” bulyaw ko. Konti na lang lumagas na buhok ko sa stress! Hindi na rin ata gumagana ‘yong pag-tutor niya sa ‘kin.Well, kasalanan ko rin naman. Kung saan-saan din kasi dumadapo
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-04 อ่านเพิ่มเติม