Okay, Eloisa. Huwag kang t@nga. Huwag kang magkalat. Kahit ngayon lang.“And now, we begin the most awaited part of the competition…” Huminga ako nang malalim at sumunod sa ibang contestants para maka-pwesto na papunta sa stage. “The Question and Answer Portion!”Pagkatapos ng announcement na ‘yon, naka-headset na lahat ng candidates habang nakapila sa gilid ng stage. Malakas ang tugtog sa headset, kaya halos wala kaming ideya kung ano ang sinasabi ng kapwa contestants. Tanging mga staff lang ang nag aasikaso sa ‘min kung oras na ba namin para lumabas sa stage. Kahit ilang minuto na ang nakalipas, ramdam ko ang patuloy na malalakas na tibok ng puso ko. Malayo na rin si Drake sa ‘kin dahil tinawag na rin silang mga lalaki para luminya dahil sila ang susunod sa ‘min. Ilang sandali pa, nabawasan nang nabawasan ang mga kanditatong nasa unahan ko. Napapikit ako ng marahan at kahit hindi ako pala-dasal, napadasal talaga ako na sana hindi ako mapahiya sa madla… at mas lalo na kay Uncle Eas
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-26 อ่านเพิ่มเติม