LUCY’S POV“Answer me, Lucy,” pilit niya sa akin.“H-Hindi ko alam. Anong klaseng tanong ba ‘yan?” inis kong balik sa kaniya at muli ko siyang sinubukang itulak. “May meeting pa ako with Mr. Hudson, kaya please lang. Feron, tigilan mo na ‘tong kalokohan mo dahil gusto ko nang magpahinga.”“Kalokohan? I’m cornering you, Lucy. Kung hindi ko gagawin ‘to ay hindi mo ako kakausapin,” sambit niya pero lumayo rin naman agad siya sa akin. “Saan tayo mag-me-meeting?”“Hindi ka sasama. Hindi ba at may sugat ka at nagpapagaling pa?” turan ko at naglakad na paakyat sa second floor. Ramdam ko ang mga yabag niya sa likuran ko.“Magaling na ako,” agaran niyang depensa.“Kung magaling ka na ay p’wede ka nang umalis dito.”“What? Gusto mong iwan kita rito mag-isa? Then, if that's the case, hindi pa ako magaling.”“Then, you can’t come with me.” Hinarap ko siya at pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa tapat ng aking dibdib. “Pick one, Feron.”Kunot-noo niya akong tiningnan sa aking mga mata. “You can’t
Last Updated : 2025-12-16 Read more