LUCY'S POVNagising ako sa tunog ng machine sa gilid at kulay puting kisame at sa nakatusok sa aking kamay.Hospital?Napabalikwas ako ng bangon at agad na kinapa ang aking tiyan. Alam kong wala pa akong mararamdaman kung may laman pa ‘yon pero paulit-ulit ko ‘yong hinawakan.“Ayos lang ang baby, Lucy,” malumanay na sabi ni Andrew sa gilid na nakaagaw ng pansin ko. “Dinugo ka dahil sa stress at pagod. Idagdag pa ang gamot na nahalo sa iniinom mo sa bahay ni Lhea.”“Gamot?” naguguluhan kong tanong.Tumango si Andrew. “She drugged us, Lucy. I mean, just sleeping pills you know. Still, the effect is you know, mahina ang katawan mo at buntis ka.”Pareho kaming natahimik, hindi ko alam ang aking sasabihin.Paano na lang kung hindi agad ako nadala sa hospital? Paano na ang baby ko? Napatingin ako kay Andrew, sinabi niya kanina na ayos lang ang baby.“Alam mo ng buntis ako? Salamat sa pagligtas mo sa buhay namin.” Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.
Last Updated : 2025-11-30 Read more