LUCY’S POV“Are you okay?” ani Feron para makuha niya ang atensyon ko nang makita niyang tulala akong nakatingin sa bintana ng eroplano.“I’m… fine.” Kahit ako mismo ay hindi kumbinsido sa sagot ko, pero imbis na kulitin ay tumango lang si Feron sa akin at hinaplos ang pisngi ko.“Everything will be fine, Lucy. I’m with you,” sabi niya at tinitigan ako nang diretso sa mata. “Magkasama nating haharapin ang lahat. Hindi kita hahayaang mag-isa. Kahit anong gawin at plano mo, lagi mong tatandaang nasa likuran mo lang ako, nakasuporta sa'yo.”Kahit paano ay gumaan ang loob ko, pero ayaw kong umasa kay Feron o sa kahit sino ngayon. Gusto kong harapin ang lahat ng problema gamit ang sarili kong kakayahan. Alam kong marami akong tulong na kailangan kay Feron pero ayaw kong nakatago lang ako sa likuran niya. Ayokong hayaan siyang sanggain ang lahat. Laban ko rin ‘to at higit sa lahat, ama ko ang bibigyan ko ng tamang hustisya.Sisiguraduhin kong pagsisisihan ng kung sinumang gumawa ng kawalang
Last Updated : 2025-12-22 Read more