LUCY’S POV “I-Is it really okay for us to do ‘that’, doctora?” may paniniguradong tanong ni Feron kay Dra. Castro nang maipaliwanag nito ang lahat sa amin. Hindi nawawala ang matamis na ngiti sa labi ni Feron at halatang natutuwa sa nalaman. Halos hindi nga niya mabitiwan ang tiyan ko kahit nakaupo na kami sa harapan ni Dra. Castro at pinapakinggan ang sinasabi nito. “Yes, like I said… p’wede kayong mag make love basta mag-iingat kayo. Dapat ay hindi maiistress ang baby o maiipit. Mag s-second month pa lang naman at tingan mo, hindi pa rin kumukupas ang curves ng asawa mo,” puri sa akin ni Dra. Castro na ikinatango naman ni Feron. Pero hindi ko magawang maging masaya sa papuri ni doctora. Medyo nakaramdam kasi ako ng guilt. Siguro nga ay maliit pa rin ang tiyan ko dahil desperada akong itago muna ang lahat. Hindi ko magawang ipagmalaking may buhay sa tiyan ko. Ngayong nahimasmasan na ako ay wala ng dahilan para ipanalangin kong huwag munang lumaki ang tiyan ko at saka ko napagtanto
Last Updated : 2026-01-05 Read more