FERON'S POV Kitang-kita ko ang gigil at poot sa mukha ni papa. Gan'yan nga. Magalit ka papa. Magalit ka hanggang sa maramdaman mong mali ang ipinaglalaban mo! Marahas akong napailing. “Sa tingin ko ay hindi si mama ang nawala sa tamang pag-iisip kung hindi ikaw, papa. Walang matinong ama ay hindi magagawa ang mga ginawa at ginagawa mo," pagod na sabi ko sa kaniya at tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata niya. “Pero kahit anong sabihin ko, alam ko namang hindi mo ako pakikinggan dahil sarili mo lang ang tama para sa’yo.” “Hindi ko kailangan ng kahit na anong salita mula sa’yo o kahit kanino, Feron," mahinahong sabi niya at lumakad palapit sa sofa. Naupo siya ng nakadekwatro. “Alam ko ang ginagawa ko.” Alam niya ang ginagawa niya? Sabagay, alam na alam naman niyang sinisira niya ang buhay ng mga anak niya! Gusto kong magwala, dahil alam kong kahibangan na lang ang tumatakbo sa utak niya. “Tama lahat ng desisyon ko, Feron. Wala kang karapatang kuwestyunin ang kahit ano sa mga gi
Last Updated : 2026-01-23 Read more