Raya’s POVHalos mahigit dalawang oras na akong nakaupo sa labas pero hindi pa rin nagkakaroon ng malay si Lysander, gusto ko ng pumasok sa loob pero tuwing naiisip kong andoon si Mitch ay hindi ko magawa.Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya sa utak ko, kinukwestiyon ang pagiging asawa ni Lysander. Pero hindi ko siya masisi, ano nga ba ang kwalipikasyon ko kung ang allergy na p’wedeng pumatay kay Lysander ay hindi ko alam?Ako pa mismo ang naghain sa pagkain na bawal sa kaniya, parang harap-harapan ko siyang inutusan na saktan ang sarili niya… na ipahamak ang buhay niya.“Raya,” isang boses ng lalaki ang nakapagpabalik sa akin mula sa malalim kong iniisip, agad akong tumingin sa kaliwang bahagi ko at doon ko nakita si Lucian na kararating lang. Medyo gulo-gulo pa ang buhok niya, nag-aalala siyang lumapit sa akin. “Bakit andito ka sa labas?”Gusto kong sagutin ang tanong niya, pero mas pinili ko na lang na h’wag at ibalik ang tanong. “Ikaw, bakit andito ka? Madaling araw pa lang,
Read more