Raya’s POV“Pagod ka na agad?” Tanong sa akin ni Lucian, malawak ang ngiti habang bitbit ang isang stick ng barbeque at isang disposable cup sa kabilang kamay. “Halika na, sumali ka pa sa amin,” aya niya pero umiling lang ako bilang pagtangi sa alok niyang muli akong makisaya sa kaniya.“Hindi na, ayos na ako rito na manood sa inyo. Aakyat na rin naman ako sa taas, medyo pagod na rin ako at inaantok.” Saad ko tumingin sa paa niya. “H’wag kang masyadong maglikot, yung paa mob aka masobrahan at ikaw lang din ang mahihirapan mamaya,” bilin ko sa kaniya.Saglit siyang napatitig sa akin, may kung ano sa mga mata niya. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita doon hanggang itikom niya muli at tumango.“Ayaw mo na talagang sumali sa amin?” Paninigurado niyang balik sa sinasabi niya kanina.“Hindi na, aakyat na rin ako sa k’warto. Baka andoon na si Lysander, sasamahan ko siya. Bumalik ka na doon,” turo ko sa mga kasama niya.Ngumuso siya na parang nalungkot pero walang nagawa kundi
Read more