Lysander’s POVRamdam ko ang panlalamig ng kamay ni Raya habang papasok kami sa loob ng mansyon, kahit hawak ko na ang palad niya ay hindi pa rin tumitigil ang panginginig noon.“Hindi mo kailangan na matakot, Raya. Kasama mo ako, hindi kita iiwan. Kahit na anong mangyari, sasamahan kita sa lahat at hindi pababayaan na mag-isa,” paninigurado ko sa kaniya at inalalayan siyang lumabas na kotse.Alam ko naman kung ano ang kinakatakot niya at kung mangyari man ‘yon at hindi na siya tanggapin nila mama at papa, o kahit si lola… ang mahalaga ay mayroon siyang ako. Kahit anong sabihin nila, hindi ko siya tatalikuran basta-basta.“Kinakabahan ako, Lysander. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa pamilya mo, puro na lang problema ang dala ko. Hindi ko sila masisisi kung hindi na nila ako tatanggapin,” sambit niya, kaya tumigil muna ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at ngumiti sa kaniya ng marahan. “Hindi mo kailangan na kabahan, andito naman. Kung h
Read more