LUCY'S POV“Mr. Cortiz,” sabi ni Feron at tinanggap ang nakalahad nitong mga kamay. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala.”“Ano ka ba, wala ito. Ako nga dapat ang humingi ng tawad dahil hindi ako nakapunta bilang witness mo ng ipa-register mo ang kasal mo,” sagot ni Mr. Cortiz at tumingin sa akin.Ngumiti si Mr. Cortiz at inilahad din ang kamay sa harapan ko. “Ms. Russ, congratulations. Salamat sa pagtanggap bilang asawa kay Feron, mabait na bata ito.”“Ah… Opo, salamat din po.” Nagmamadali kong tinanggap ang kamay niya at naguguluhan akong tumingin kay Feron.“Ah, minsan akong nagtrabaho sa kanila…” paliwanag ni Feron at muling tumingin kay Mr. Cortiz. “Masyado lang mabait si Mr. Cortiz para hanggang ngayon ay maalala pa ako.”Tumikhim si Mr. Cortiz at tumango. “Mahirap kalimutan ang isang Feron. Mabait at magaling siya sa trabaho. Sobrang laki ng tulong niya sa akin kung alam mo lang, Ms. Russ,” seryosong sabi niya nang makahulugan.“Mr. Cortiz,” tawag ni Feron dahilan para muling
Last Updated : 2025-11-15 Read more