Kapag seryoso si harvey sa panliligaw, hindi mo talaga maikakaila—sobrang maalaga niya.Hindi yung tipong pa-sweet lang sa salita. Yung mga ginagawa niya, tahimik pero ramdam. Yung klase ng effort na hindi mo hinihingi pero bigla na lang nandiyan.At kapag ginawa niya iyon, mahirap hindi matamaan.Kinabukasan ng umaga, nang magising si kristine sa condo niya sa Pasig, hindi pa siya tuluyang naka-recover sa pagod ng nakaraang gabi. Mahaba ang tulog niya, at medyo mabigat pa ang pakiramdam ng katawan.Nag-unat siya habang nakaupo sa gilid ng kama, saka sinilip ang oras sa cellphone.“Late na pala,” bulong niya sa sarili.Pagkatapos maligo at magbihis, bumaba siya sa lobby ng condo building.Pero paglabas pa lang niya ng gate, may nakita siyang pamilyar na sasakyan.Ang puting BMW niya.Nakatigil ito sa tapat ng building.Sandaling natigilan si kristine.Lumapit siya nang kaunti at doon niya napansin ang driver ni harvey na nakatayo sa tabi ng kotse. Tahimik lang itong naghihintay, par
Leer más