Matagal na nanahimik si Kristine. Parang hindi siya makahinga. Nakatitig lang siya sa cellphone, hawak ang tawag ni Harvey na parang may bigat na hindi niya maipaliwanag. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang epekto ng lalaki sa kanya; hindi naman ito malambing sa lahat ng oras, hindi rin ito palasalita, pero bawat salitang binibitawan nito ay tumatama nang diretso.Sa kabilang linya, hindi pa rin nagbabago ang tono ni Harvey—kalma, sigurado, kontrolado.Muli itong nagsalita, banayad pero may diin. “I’ll come pick you up tonight.”Para bang may pumisil sa puso niya. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago tuluyang gumalaw ang dila niya. “Okay,” sagot niya, halos bulong, na para bang kung lumakas pa ng kaunti, mababasag ang sariling depensa.Pagkatapos niyang ihang up ang tawag, naupo siya sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung bakit parang wala siyang laban kapag si Harvey ang humihiling. Nakikita niya kung paano ito kumilos—hindi basta nangako, kundi pinaparamdam. Kung may gusto
Last Updated : 2025-12-29 Read more