CheskaSa halos buong buhay ko, iisa lang ang naging mission ko, at ‘yun ay mapasaya si Papa. Maging okay ulit siya, makabangon mula sa pagkamatay ni Mama ilang taon na ang nakalipas. Iyon lang. Walang iba.Kaya nang marinig ko ang mga salitang,“Cheska, anak… this is my girlfriend, Georgia.”…parang isang balde ng ice-cold water ang ibinuhos sa batok ko.Nataranta ang pandinig ko. Girlfriend?! Gano’n kabilis? Walang pasabi? Bigla-bigla, ngayon?“Cheska, please say hello,” ani Papa, ang tono ay may halong pride na nakakasulasok.Napakagat-labi ako, pinipilit ipikit ang mata. Ang paligid ko ay tila nag-g-glitch. Hindi. Hindi ito totoo. Isa lang itong masamang bangungot, o epekto ng expired na gatas.“Hi, Cheska. It’s great to finally meet you. Your dad has t—”“No. Hell no.”Ang boses ko ay halos pabulong, pero damang dama ang galit ko sa bawat bitaw ko ng salita. Talikod. Mabilis na hakbang. Paakyat sa hagdan. Tapos… takbo.Pagpasok ko sa banyo, agad kong binuksan ang shower, full bla
Last Updated : 2025-12-09 Read more