CheskaHaplos lang ng tela, pero parang kuryenteng gumagapang sa balat ko. Nakatitig ako sa salamin, pinagmamasdan kung paano yakapin ng dark blue silk dress ang bawat kurba ko. Masyadong manipis. Masyadong mapangahas. Isang maling galaw lang, literal na may luluwa."You look stunning, Cheska," bulong ni Georgia sa likod ko. Naramdaman ko ang palad niya sa balikat ko. Pati siya, tila pigil ang hininga.Hinarap ko siya, sinusubukang pakalmahin ang kabog ng dibdib ko. "Salamat. For everything."Ngumiti siya, pero sandali lang ’yun. Bigla siyang seryosong tumingin sa akin sabay tapik sa braso ko. "Go. Kanina pa naghihintay ang mga sundo mo sa baba. Kier just got here, and Kai has been pacing with Asher forever.""People will talk, Georgia," pag-amin ko. Nararamdaman ko na ang pawis sa malamig kong palad. "Three dates for homecoming? It’s going to be weird."Tinawanan niya lang ako habang pinaliliguan ako ng pabango. Amoy vanilla at musk ang hangin—matamis pero palaban. "I went to prom wi
Last Updated : 2025-12-30 Read more