AxelBumibigat na ang hininga ko habang nakatitig sa malamig na bote ng beer. Kanina pa ako hindi mapakali. Noong una, bilib ako sa plano ni Oliver. Game ako, cool lang. Pero habang tumatagal, parang may humahapdi sa dibdib ko.Eight years old pa lang kami nina Mateo, Oliver, at Damian, sanay na kaming maghiraman ng kung anu-ano. Toys, damit, pati sikreto. Walang isyu sa akin ang konsepto ng sharing. Pero bakit kay Cheska, iba? Sobrang layo.Gusto ko lang naman silang hulihin noon. Gusto ko silang asarin sa kung anong tinatago nila. Hindi ko akalaing ako ang mahuhulog nang ganito kalala."Don't drink," matigas na sabi ni Mateo. Nakatitig siya sa akin, iyong tinging parang papatayin ako kapag uminom pa ako.Ibinaba ko ang bote sa counter nang padabog. "Whatever."Alam ko kung bakit sila praning. Takot silang maging gago ako. Takot silang masira ang chance namin kay Cheska dahil lang uminom ako. Pero hindi ako tanga. Gusto ko siya gaya ng gusto nila. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-09 Mehr lesen