AxelHinila ko ang malalim na hininga habang tinititigan si Mateo na hindi mapakali sa sofa. Kanina pa siya lumingon-lingon, tila may hinahanap na hindi niya masumpungan."Where are... Oliver and Damian?" tanong niya, ang boses ay may bahid ng kakaibang kaba."Nasa kabilang kwarto si Oliver, pinapalitan si Liam. Si Damian naman, nasa backyard. May kausap sa phone," sagot ko habang dahan-dahang pinupulot ang mga laruan sa sahig. Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan namin.Umupo si Mateo pero hindi siya mapirmi. Ang mga daliri niya, mabilis na tumatambol sa armrest ng sofa. It’s a rhythmic, annoying sound that screamed one thing… Guilt."Hey," mahina niyang simula. "Never mind."Tumayo ako nang maayos at hinarap siya. "You’re acting weird, Mateo. This isn't you.""Wala lang 'to. Just drop it," iritableng sagot niya. Sumulyap siya sa bintana kung saan naririnig ang boses ni Damian na sumisigaw na sa wikang Russian. "I think he's talking to Dexter.""Hindi 'yan ang point," hamon ko
Last Updated : 2026-01-27 Read more