Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE’S POV:“What are you doing there, anak?” tanong ko kay Arielle nang mapansin ko siyang nakaupo sa sahig ng sala, halos yakap ang bond paper habang nakakalat ang mga krayola sa paligid niya.“Nagda-draw po ako ng family natin, mommy,” nakangiting sagot nito, halatang proud sa ginagawa niya.Lumapit ako at naupo sa sofa habang pinagmamasdan ang obra niya. Hawak niya ang pulang krayola, may halong asul at dilaw ang guhit. Kitang-kita ang apat na stick figures. May mas matangkad, may maliit, at may isa pang mas maliit sa gilid.“Wow!” hindi ko napigilang mapangiti sa iginuhit nito. “Sino yung pang-apat, anak?” tanong ko habang tinuturo ang maliit na figure.“The fourth one is my baby brother,” masayang sagot niya sabay turo sa ginuhit niyang batang lalaki na hawak ang kamay ng mas matangkad na batang babae.Parang may humaplos sa puso ko. “Napaka-artistic at sweet naman ni ate Arielle,” puri ko sa kanya.“Thank you, mommy!” masigla niyang sa
Last Updated : 2026-02-08 Read more