Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricSOLARA’S POV:Paggising ko nang umagang iyon ay agad kong hinanap ang init ng katawan ni Rhevan sa tabi ko ngunit wala ito. Napakunot-noo ako. May kung anong kakaibang pakiramdam ang gumapang sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ito.Nadatnan ko si Arielle na masayang nakikipaglaro kay Ravian sa loob ng playpen. Ang tunog ng kanilang halakhakan ay dapat sana’y nagpapagaan ng loob ko, pero hindi nito tuluyang napawi ang bigat ng loob ko na unti-unting nagpapasikip sa dibdib ko.“Arielle, where’s your daddy?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang boses ko.Huminto siya sandali at tumingin sa akin, saka ngumiti. “Daddy told me, na when you wake up, may pupuntahan lang daw siya. But it’s a secret po,” masiglang paliwanag niya.Napakurap ako. Secret? Bakit kailangang maging sikreto pa?“I see…” mahinang tugon ko. “Nag-almusal na ba kayo?”“Not yet po, Mommy. Let’s eat na po,” aya niya habang hawak ang maliit na laruan ni Ravian.Ngumiti ako kahit pili
Read more