Book 2: The Legacy Series: Rhevan AlaricAMARIE’S POV:“Napakaganda ng apo ko,” masayang bulalas ni Mama Elara habang nakatuon ang mga mata niya kay Arielle. Parang bawat galaw ng anak ko ay isang himala sa paningin niya at sa totoo lang, ganoon din naman ako.“Nakuha niya ang mga mata namin ng daddy niya,” singit ni Tito Rhett, sabay yuko para mas mapagmasdan ang mukha ng apo.“Oo nga ano? Kulay abuhin,” sambit ni Mama, marahang hinahaplos ang noo ni Arielle. “Pero the rest ay sa mommy na niya.”Napangiti ako. Nakatayo kami malapit sa floor-to-ceiling window ng master’s bedroom, hinahayaan ang banayad na sikat ng araw na dumampi sa balat ng aming munting prinsesa. Maingat ang pagkakakarga ko, sapat para maabot ng araw ang kanyang maliliit na kamay at paa, pero hindi siya maiinitan. Ilang minuto lang ang sabi ng doktor. Pero sa akin, parang gusto kong patagalin ang sandaling iyon, parang bawat sinag ng araw ay panibagong lakas na ibinibigay sa anak ko.“Paglaki niya, ipag-shopping ko
Last Updated : 2026-01-26 Read more