8:15 ng gabi nang sa wakas nakita kong papalapit si Charlie sa entrance ng Anna's. Halos dalawampung minuto na akong nakatayo roon, pilit na hindi magmukhang kawawa habang mag-isa sa labas ng isa sa mga pinaka-eksklusibong club sa London. Habang ako, paulit-ulit na chine-check ang phone ko, pinapanood ko ang mga eleganteng couples na sabay-sabay pumapasok.“Via?” tanong niya nang medyo nag-aalangan habang lumalapit.“Charlie!” sabi ko, pilit na ngumiti kahit medyo naiinis na ako dahil sa late niya.“Sorry for the delay,” sabi niya habang dumadaan ang kamay sa buhok niya, mukhang kinakabahan. “The traffic is terrible.”Agad kong napansin na parang… mas maliit siya kaysa sa inaasahan ko. Sa profile niya, nakalagay na 6’0 feet ang height niya, pero mukhang nasa mga 5’6 lang siya kahit may suot pang sapatos na halatang may dagdag na taas. Hindi naman mahalaga sa akin ang height, pero kung magsisinungaling ka agad sa unang date, medyo red flag iyon.“That's fine,” sabi ko, pinili ko na
Mehr lesen