LOGINDumating ako sa office ng alas-siete y medya ng umaga, mas maaga kaysa usual. Hindi naman dahil nakatulog ako nang maayos, kabaligtaran pa nga. Halos buong gabi akong pabalik-balik sa kama, iniisip ang bawat sinabi ni Neo kahapon sa office niya.“I’ll keep waiting.”Paulit-ulit sa utak ko ang linyang iyon.Maghihintay ng ano? Ng pag-uusap na hindi namin natuloy sa garden? Ng desisyon ko? Ng lakas ng loob na alam kong wala pa ako?Umupo ako sa mesa ko at binuksan ang computer, pilit na nagfo-focus sa report na kailangan kong matapos bago magtanghali. Pero bawat galaw sa hallway, napapatingin ako. Parang may hinahanap akong pamilyar na figure, yung dark brown hair, yung green eyes na parang nakikita ako nang buo.Ang pathetic.Nang makita ko siya sa wakas, papunta sa elevator habang may hawak na folder at kausap sa phone, parang umikot ang sikmura ko. Hindi man lang siya tumingin sa direksyon ko, halatang busy siya pero parang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.Kailangan ko
Tahimik ang opisina ni Neo, maliban sa mahinang tunog ng pagta-type sa keyboard at sa malayong ingay ng mga tao sa labas. Halos dalawang oras na kaming nagtatrabaho, nire-review ang isang importanteng project para sa meeting namin sa investors next week. Dapat sana, dahil sa focus na kailangan, naging purely professional lang ang lahat.Dapat.Pero may tension sa hangin na pareho naming hindi pinapansin. Parang may naiwan na kuryente mula sa party ng Avelino, isang invisible na koneksyon sa pagitan namin na nagpapabigat sa bawat tingin, bawat muntik na pagdikit ng kamay namin habang inaabot ang mga documents.Hindi rin nakakatulong ang glass walls ng opisina. Kita ko ang mga empleyadong dumadaan sa hallway, may ilan na palihim na sumusulyap sa amin, parang curious kung anong nangyayari sa loob. Simula nung party, pakiramdam ko parang bumalik yung mga tingin nila sa akin, yung tipong halatang nag-uusisa, parang ako yung topic nila.“Yung numbers ng third quarter, kailangan i-adjust
Nakatutok ako sa report tungkol sa sales metrics ng third quarter nang maramdaman ko na may malambot na bagay na inilagay sa ulo ko. Napatingin ako pataas at nakita ko si Astrid na nakatayo sa tabi ng mesa ko, may pilyang ngiti at naka-hands on hips, halatang proud sa ginawa niya.“Astrid, what the…?” sabi ko, hinahawakan ang ulo ko at napansin ang malambot na tela.“Christmas hat,” proudly niyang sabi, parang may pinapakitang masterpiece. “Perfect siya sa 'yo.”Hindi ko napigilan tumawa sa itsura niya. Tinanggal ko ang sumbrero at sinuri, yung classic na pula na may puting pompom sa dulo. Mukhang galing sa malapit na department store.“Hindi ba medyo maaga pa?” tanong ko habang natatawa. “November pa lang tayo.”“Via, look outside!” excited niyang sabi. “Buong London nasa Christmas mood na. May ilaw sa bawat kanto, decorated na lahat ng shops, kahit red buses may garland na. How can you resist that?”Napatingin ako sa paligid, at totoo nga. Yung lobby ng Avelino, parang naging C
NEOTinitigan ko ang screen ng phone ko sa pang-sampung beses sa loob ng limang minuto, paulit-ulit na binabasa ang message ni Via. Pumapasok ang malambot na liwanag ng Linggo ng umaga sa bintana ng apartment ko, pero wala akong ibang makita kundi ang mga salitang kumikislap sa screen.Ni-reinstall ko ang app matapos kong marinig si Via na kausap si Helga kagabi. Hindi ko sinasadya, pero sapat ang lapit ko para marinig ang ilang salita. Nang mapagtanto ko na binalikan niya ang app specifically para kausapin ako… o yung ibang version ko… hindi ko na napigilan ang sarili ko.Dinownload ko ulit ang app. At doon ko nakita ang message niya.Via: “Siguro someone who challenges me. Or baka ako lang ang mahilig gawing komplikado ang sarili kong buhay, kasi iyon ang ginagawa mo. Dumarating ka at biglang nagiging gulo ang isip ko, at hindi ko alam kung bakit. For a few minutes, nakakalimutan ko siya… at dapat maganda iyon, pero nakakatakot din. Dapat ide-delete ko na ulit ang app na ito, pe
Dumating ang Sabado na parang isang magandang pahinga matapos ang emotional na pagod mula sa party. Nagising ako na may kaunting hangover pa, pero determinado akong sulitin ang mga huling araw ko kasama sina Helga at Damian bago sila bumalik ng Philippines.Ang weird isipin na ilang araw lang, nasa kabilang side na sila ng mundo ulit, at magiging video calls at vibér messages na lang ang communication namin.Dumating si Rafael sa apartment ko bandang alas diyes ng umaga, may dalang kape at croissants mula sa isang malapit na French bakery.“Family program ang itinerary for today,” sabi niya nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Confirmed na ni Helga. Today, tourists tayo sa city mo.”Buong araw kaming naglibot sa iba’t ibang iconic places sa London. Nakakatawa kasi matagal na akong nakatira doon pero hindi ko pa talaga na-explore nang maayos ang iba sa mga iyon.Unang stop namin ang Regent’s Park. Si Helga, halos hindi tumigil sa pagkuha ng pictures ni Mattheus sa stroller. Tawa siya
Nagpatuloy ang party pagkatapos ng speech nina Damian at ng ibang international COOs, pero may konting pagbabago sa energy. Bumalik sa normal ang ilaw, naging mas relaxed ulit ang usapan ng mga tao, at muling narinig ang tunog ng mga champagne glass na nagkakatamaan.Ilang beses kong sinubukang makahanap ng chance para makausap si Neo.Pero parang may sariling plano ang universe, at hindi kasama doon ang magkausap kami nang maayos.Sa tuwing pakiramdam ko may pagkakataon na, may biglang nangyayari.Sa unang attempt ko, nakita ko si Neo na paalis sa isang grupo malapit sa bar. Akala ko iyon na yung chance ko. Pero bago pa ako makalapit, may isang German investor na lumapit sa kanya, kasama pa ang ibang executives. Nagsimula agad sila ng seryosong usapan. Napahinto na lang ako, hawak ang wine glass ko, pinapanood siyang bumalik sa professional mode na sanay na sanay ako makita.Sa pangalawang pagkakataon, nakita ko siyang mag-isa malapit sa main balcony. Pero bago pa ako makagalaw…
Habang naglalakad kami pabalik sa festival, tahimik lang kami pero hindi nakakailang ang katahimikan. Mabigat pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Damian tungkol sa nakaraan niya kay Cassandra, pero sa isang banda, pakiramdam ko naging totoo siya sa akin ngayon. Pinakita niya yung side niya na bihira
Ang araw sa lugar na iyon ay nagsisimula nang lumubog sa likod ng mga burol, binabasa ng kulay ginto at pula ang mga ubasan. Nakaupo ako sa lumang batong pader na nakapalibot sa terasa ng villa, paikot-ikot na iniikot ang baso ng alak sa kamay ko. Sa ibaba, parang perpektong mosaiko ang tanawin ng m
Pagkaalis ni Cassandra, nanatili pa akong matagal sa terrace, iniikot-ikot sa isip ko ang mga sinabi niya na parang mga dahong hinihipan ng bagyo. Kailangan kong alamin pa, maintindihan kung ano talaga ang nangyari noon.Dumating si Evelyn dala ang kape ko at habang inaayos niya ang mesa, naisip ko
Nagliliwanag ang buwan sa mga ubasan nang hilahin ako ni Damian papasok sa mga bisig niya, puno ng pananabik na katulad ng nararamdaman ko. Walang salita, tanging ang mabilis na paghinga lang namin ang narinig habang dahan-dahan niya akong inihiga sa gitna ng mga puno ng ubas na may pangalan ko.Ma







