Nagawa kong maging abala sa loob ng ilang oras, kunwari ay nagre-review ng mga report at sumasagot ng emails, pero ang totoo, wala talaga sa ginagawa ko ang isip ko. Sa bawat taong dumadaan sa mesa ko, pakiramdam ko may kakaiba silang tingin sa akin.Hanggang sa napagtanto kong hindi pala iyon paranoia.Talagang may kakaiba.Napansin ko ang mga bulungan na biglang tumitigil kapag napapadaan ako, ang mga mabilis na sulyap na sinusundan ng mahihinang usapan. Si Margery, ang secretary ni Neo, binati ako kanina pero parang pilit ang ngiti niya. Si Jaime naman mula sa finance department, tiningnan ako mula ulo hanggang paa sa paraang hindi pa niya nagagawa dati.Nang bumalik si Astrid mula sa lunch bandang alas dos y medya ng hapon, dumiretso agad siya sa mesa ko. May halong curiosity at concern ang ekspresyon niya.“Ok,” sabi niya habang hinihila ang isang upuan palapit sa mesa ko. “Bakit parang sobrang active ng office gossip ngayon tungkol sa babae na nagbibigay daw ng…” gumawa siya
Mehr lesen