Pagpasok ko sa office ni Neo Atlas Campbell, eksaktong ganon ang itsura na ini-expect ko mula sa COO ng isang kumpanya tulad ng Avelino. Elegant, intimidating, at halatang ginawa para iparamdam sa kahit sino na wala silang kontrol sa kahit ano. Yung walls ay puno ng shelves na gawa sa dark mahogany, ang mesa niya sobrang laki, at yung windows may view ng Hyde Park. Isang tingin pa lang, alam mo na kung sino ang boss dito.Nakatayo siya sa likod ng mesa, nagfi-flip ng ilang documents, pero agad siyang tumingin nung pumasok ako. Ilang segundo kaming nagtitigan nang walang nagsasalita. Yung mga mata niyang green gumalaw mula ulo hanggang paa ko, professional naman, technically, pero may kung anong paraan siya tumingin na nagpaalala sa akin nang eksaktong tingin na yun sa loob ng airplane bathroom.“Via,” sabi niya sa wakas, kalmado ang boses. “Please, sit down. Would you like some coffee? Water?”“Hindi na, salamat,” sagot ko habang naglalakad papunta sa upuan sa harap ng table niya. K
더 보기