NEOAng totoo, hindi naman talaga namin choice na umalis doon.Pagkatapos kong suntukin si Charlie, halos ilang segundo lang lumipas ay dumating agad ang mga security ng Anna's. Hindi na sila nakinig sa kahit anong paliwanag tungkol sa harassment o self-defense.“House policy,” sabi nila. “Any physical violence means immediate expulsion.”At ngayon, heto kami. Nakaupo sa gilid ng bangketa sa labas ng isa sa pinaka-eksklusibong club sa London. Naka-suit pa rin ako, si Via naka-eleganteng dress, at pareho kaming may hawak na baso ng inumin na nakuha naming dalhin palabas sa pagmamadali bago kami tuluyang paalisin.“Well,” sabi ko habang umiinom ng whisky ko, “...definitely hindi ito kasama sa plano ko tonight.”Tumawa si Via. Totoong tawa, yung parang biglang nagtanggal ng bigat sa buong gabi.“I can imagine,” sabi niya. “Sorry kung nasira ko yung gabi mo.”“Hindi mo sinira,” sagot ko agad. “Yung stupid idiot na iyon ang sumira.”“Still… hindi mo naman kailangang gawin iyon. Dah
Mehr lesen