Mabilis kumalat ang balita sa buong Ramirez Group. Parang apoy sa tuyong damo. Sa loob ng ilang oras, alam na ng bawat departamento: si Amara Dela Cruz, ang executive secretary ng CEO, ay buntis. At ang insidente sa stock room, ang paglabas ng CEO nang sabik at galit, ang pagdala sa ospital, ang pagpapalayas kay Maxine Alvarez at ang agarang pag-boycott sa kanyang pamilya—lahat ay pinagsama-sama ng mga empleyado.Ang mga usapan sa pantry at sa mga group chat ay hindi mapigilan."Narinig mo ba? Si Amara, buntis.""Totoo? Kaya pala laging nahihilo at nagpapaalam sa clinic.""Sino kaya ang ama? Si Sir Zeke kaya?""Ano ka ba? Boss niya 'yon. Imposible.""Pero bakit parang sobrang protective ni Sir Zeke sa kanya? Noong isang araw, parang asawa ang dating, inaakay pa sa taxi. Tapos ngayon, pagkatapos ng insidente, parang mamamatay-taong hinanap siya.""Baka naman... baka surrogate si Amara? Para sa tagapagmana ni Sir Zeke? May balita kasi dati na naghahanap siya ng surrogate.""Surrogate? T
Last Updated : 2026-01-31 Read more