Sa loob ng mansiyon, gusto na sanang umuwi ni Amara pagkatapos magpaalam ni Camille. Pero pinigilan siya nito sa harap mismo ni Zeke. "Amara, huwag ka nang umuwi. Gabi na. Delikado mag-isa. Lalo na ngayon, buntis ka. Dito ka na lang matulog. May guest room naman si Sir Zeke, 'di ba?" sabi ni Camille, nakatingin kay Zeke na parang nagpapa-approve. Tumango si Zeke. "Tama si Camille. Dito ka na lang. Bukas na lang ako ang maghahatid sa iyo sa condo mo para kunin ang mga gamit mo. Mas mabuti ngang dito ka na lang muna." "O siya. Uuwi na ako. Salamat sa dinner, Sir," magalang na sabi ni Camille. Napabuntong-hininga si Amara habang kumakaway sa kaibigan niya. Gusto niyang sumama kina Ethan at Camille, pero alam niyang imposibleng mangyari 'yon. "Pero, Sir Zeke, ayokong maabala—" nagsimula si Amara. "Walang abala," putol ni Zeke. Napalingon siya kina Ethan at Camille na palabas na ng bahay. "At saka, hindi naman ito ang unang beses na matutulog ka rito. Noong mga unang buwan ng pagbubun
Dernière mise à jour : 2026-01-31 Read More