Agad na sumunod si Ethan kay Amara palabas ng opisina. Nakita niya itong papunta sa pantry, kung saan ito ay nagbuhos ng tubig sa baso at uminom, tila sinusubukang banlawan ang nakaraang eksena."Amara," tawag ni Ethan, lumapit. "Can we talk for a second?"Tiningnan siya ni Amara, ang kanyang mga mata ay medyo namumula. "Ano na naman, Ethan? Gusto mo bang magsabi ulit na huwag ko siyang guluhin? Ginawa ko na 'yon.""Hindi 'yon." Tumigil si Ethan, nag-iisip kung paano ito sasabihin. "Ang gamot... 'yung herbal na binigay mo. Paano mo nalaman kung paano gawin 'yon?""Anong ibig mong sabihin? Sinabi ko na, sa amin sa probinsya. Common knowledge 'yon.""Pero ang eksaktong kombinasyon?" pagpupumilit ni Ethan. "Luya, lagundi, oregano, bawang, na pinakuluan sa loob ng dalawampung minuto, sinala, at hinaluan ng isang kutsaritang pulot? Ang eksaktong 'yon ang recipe."Napatingin sa kanya si Amara, naguguluhan. "Oo... ganiyan nga ang ginawa ko. Pero paano mo nalaman ang recipe? At bakit parang b
Dernière mise à jour : 2026-01-30 Read More