Hindi inaasahan ni Amara na mauuwi sa inuman ang simpleng salu-salo ng Ramirez Group. Nagsimula iyon bilang tahimik na dinner sa isang pribadong function hall malapit sa opisina—may konting music, maayos na pagkain, at masayang usapan. Ipinagdiriwang nila ang pagbubuntis ng kanilang manager, si Liza, na ilang taon nang nagtatrabaho sa kompanya.“Amara, kahit isang baso lang,” pilit na sabi ni Liza habang inaabot sa kaniya ang alak. “Bihira ka namang sumama sa ganito.”Napailing si Amara at ngumiti nang pilit. “Manager, pass talaga ako. Hindi ako sanay uminom.”“Relax ka lang,” singit ng isa pang officemate. “Hindi ka naman malalasing agad sa isang baso.”“Tama,” dagdag ni Miles, may ngiting hindi maipinta. “Secretary ka na ng boss, masyado ka namang seryoso. Isang baso lang naman.”Napatingin si Amara kay Miles, pero pinili niyang huwag na lang magsalita. Ayaw niyang masira ang okasyon. Sa halip, kinuha niya ang baso at marahang uminom.“‘Yan, ganiyan,” masayang sabi ni Liza. “Cheers!
Dernière mise à jour : 2026-01-27 Read More