Nanatili akong nakaupo sa sahig ng madilim na kuwarto, nakasandal ang likod sa pinto habang yakap ang sarili kong mga tuhod. Ang tanging ingay na naririnig ko ay ang sarili kong paghinga at ang mahinang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarera sa gulo ng isip ko.Akala ko, unti-unti na kaming nagkakaintindihan. Akala ko, ang pag-aalaga ko sa kaniya noong may lagnat siya ay naging tulay para makita ko ang lalakeng nagtatago sa likod ng maskara ni Zaitan Gulliermo. Pero nagkamali ako. Sa isang iglap, ibinalik niya ang mataas na pader. Sa isang iglap, ipinaalala niya sa akin na sa bahay na ito, siya ang panginoon at ako ay isang tauhan lamang na kailangang sumunod.Lumipas ang mga oras. Hinintay ko ang tunog ng pagpihit ng door knob. Inaasahan ko na papasok siya, na baka maging mahinahon siya at magpapaliwanag, o kahit man lang tignan kung kumain ba ako. Pero walang dumating.Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa bintana. Mula sa itaas, tanaw ko ang bahagi ng garden maze. Madilim doon,
Read more