Subalit hindi man lang sumagot si Nikolaj, silence means yes ika nga. Ang ginawa ng lalaki ay inalalayan na lamang ang Lolo nito at pinabalik sa kwarto nito. Naiwan naman sa sala ang pamilya niya, si Oreon, Divina at ang magkakapatid na sina Marga, Michael at Warren. Umupo si Marga sa tabi ni Divina at kumapit sa braso nito."Mom," malambing nitong sabi, puno ng paghanga ang mga mata ng dalaga. "Ikaw talaga ang pinaka-the best sa lahat! Ang galing at ang talino mo, naisip mo pa yun? Pero sigurado ba kayong kakagat si Kuya sa pustahan?"Tumingin si Divina sa asawa nitong si Oreon. Sumilay ang ngiti sa babae saka nagsalita. "Hija," malumanay na sagot nito. "Alam mo naman ang nature ng mga lalaki. Mas lalo silang nanggigigil kapag hindi nila makuha ang gusto nila. Oh siya, mag-bea-beauty rest na ako. Ciao!"Tumayo si Divina at naglakad palabas. Naiwan doon si Oreon na namumutla sa galit. Sapul na sapul kasi ang lalaki, alam nitong pinaparinggan ito ni Divina. Dahil ganun din ito dat
Last Updated : 2026-02-16 Read more