Sa halip na umalis, ibinaba ni Khalil ang dalang bag nito. Binuksan ng lalaki ito at naglabas ng mga plane tickets."Ito, pabalik ng Pinas,” sabi nito at pinakita yun sa kanya. "Ito naman, papuntang London, Washington, California, Canada, Tokyo, Seoul at Singapore. Pumili ka na lang diyan, saan mo ba gusto?"Natahimik si Minna habang tinitingnan ang plane tickets na hawak ni Khalil "Ang pinakamaagang flight ngayon ay pa-Canada," paliwanag ni Kaili. “Para safe, doon muna tayo pupunta. Tapos magta-transfer tayo pa-Seoul, bago dumiretso ng Singapore. Nandoon ang Tita ko at asawa siya ng pinakamataas na opisyal doon. Pagdating natin doon, hindi na tayo masusundan ni Nikolaj. Kapag naka-settle ka na, aayusin ko ang pag-transfer mo ng school at tutulungan kitang mag-apply sa university roon."Matapos sabihin yun, binalik ni Khalil ang mga ticket sa bag at naglabas ng iba pang gamit. May isang silver-gray na short wig, isang panlalaking hoodie, loose na maong pants at rubber shoes.Sapilit
Last Updated : 2026-02-24 Read more