Samantala, sa isang VIP Lounge ng airport, nakahiga si Khalil sa isang mahabang sofa. Namumutla siya at naliligo sa malamig na pawis dahil sa matinding sakit mula sa nabali niyang braso.Sa kabilang sofa, nakaupo si Christian, hindi man bali ang buto nito pero basang-basa rin ito ng pawis dahil sa matinding takot kanina. Sa pinto naman ng lounge, nakatayo si Charles, naka-cross arms na parang isang higanteng pader na nagbabantay sa kanila.Tumingala si Khalil sa binata, kahit bali na ang braso niya, hindi pa rin nawala ang kayabangan ng niya. "Hoy," tawag ni Khalil. "Tawagin mo nga 'yung Nikolaj na 'yon. Kakausapin ko!"Subalit tinapunan lang siya ng malamig na tingin ni Charles at hindi sumagot.Nanlaki ang mga mata ni Christian at panay ang senyas kay Khalil na manahimik na. “Ggo, wag mo nang galitin iyan, mamatay tayo rito!” bulong na sabi ni Christian sa kaibigan. Pero hindi man lang niya pinansin ang binata, marahan niyang dinilaan ang gilid ng kanyang labi at ngumisi nang na
Huling Na-update : 2026-02-24 Magbasa pa