Walang kahit isang salitang lumabas sa bibig ni Minna. Blangko ang mukha niyang ibinaba ang tawag. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliri, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nag-aapoy na galit sa kaibuturan ng puso niya."Sa Carreon Group of Companies tayo," malamig niyang utos sa driver.Pagkahinto pa lang ng sasakyan sa exclusive parking slot sa ilalim ng higanteng building, bumaba agad si Minna. Hindi siya nag-aksaya ng panahon at agad na dinial ang numero ni Nikolaj.Samantala sa loob ng office, balot na balot ng usok ang silid. "Mag-book ka ng flight papuntang Singapore bukas. Siguraduhin mong pinakamaaga ang flight na yun," utos niya sa kanyang mga tauhan."Boss, ako na lang po ang pupunta," singit pa ni Winston. "Kasalanan ko po kung bakit nabulilyaso ang plano nating lahat."Tinignan siya ni Nikolaj nang malamig, "At sa tingin mo, kapag ikaw ang pumunta, magagawa mo ng tama ang trabaho mo?"Yung dalawang exchange students na binabanggit ni Winston noon ay naunahan
Read more